Sabi nila, Pampanga is known as the cooking capital of the Philippines… Na sinasangayunan ko naman dahil sobrang sarap nga talaga ng mga pagkain nila! I was assigned to do the food segment for that episode so imagine how thrilled I was to be treated to all these Kapampangan dishes & delicacies. Wala munang diet-diet! Haha
Ilan sa mga sikat na pagkain ng Pampanga ay ang sisig, kare kare at pindang. I was taught how to cook their Kapampangan buru or fermented rice. Ang dali lang nyang gawin at ang sarap nya pala! Mahilig kasi ako sa gulay at maaasim na pagkain.

Ang gadget ko nuong araw na yun ay ang Samsung Galaxy Tab kung saan maari akong magtake notes, kumuha ng mga litrato, magtweet at kung ano ano pa! Super handy! Perfect na perfect sa pagdodocument ng Angeles food trip ko.


Various vegetables that you could dip into the buru or fermented rice. Yummy!!!

We also went to Susie’s Cuisine kung saan sikat na sikat ang Kapampangan Moche (Mochi). Kilala ang Susie’s sa kanilang matatamis na pagkain tulad ng mga kakanin, cassava cake, suman, sapin sapin, ube, halo halo at ilan pang mga masasarap ng pagkain tulad ng pansit luglog, palabok at puto’t dinuguan.

Our last stop was at Doy’s Kapampangan Pizza which was inside the Historic Camalig House. Ang sarap ng mga pizza nila duon and what’s great about it is that they use mostly Pinoy ingredients. Ilan sa mga ginagamit nila ay ang itlog na maalat, longganiza, kesong puti at tinapa. Astig diba?

Syempre pagkatapos ng kanya kanya naming adventure, nagkita kita na kami ng mga kapwa Tekno Trippers kong sina KC at Lia. Kailangan maipatikim ko sa kanila yung mga nakain ko diba? Kaya dinalan ko sila ng pasalubong.

Anyway, that was another fun trip gamit ang ilan sa mga latest gadgets ngayon sa mga paborito nating Pinoy destinations. Watch out for a new episode every Saturday at 9pm sa AksyonTV!