MY FIRST SINGLE!!! About being single… Haha, I hope you could repost the song/link to the song if you like it. I’m still working on how I could make it available/downloadable… For now though, this’ll do! :) Will also be guesting on some radio shows this coming week. That should be interesting! Will keep you guys posted ;) Thanks!
TAGPUAN by Abby Asistio
Naghihintay parin, tayo’y magkatagpo
Ika’y mamahalin, ibibigay aking puso
Para lamang sayo, iaalay buhay ko
Sagot sa aking panalangin, ako’y maging iyo’t ikaw ay sa akin
Kinalimutan ang lahat ng pagaalinlangan
Pagkat ako’y naniniwalang ikaw ay nariyan
Nagdarasal ka rin, hinahanap mo ako
Mundo nati’y magbabago sa oras na malaman ko’t malaman mong
Itinakdang maging tayo
Naniniwalang darating ka rin
Pagsasamahin ng tadhana
Makakapiling, aking mamahalin
Ikaw lang at ako habambuhay
Lahat para sa’yo ay iaalay
Pinapangako na magiging tapat at totoo
Maasahan mong karamay, magtitiwala sayo
Kakayanin and lahat, basta’t kasama lang kita
Ipapamalas na kailangan ko ay tanging ikaw
Magpakailan pa man, lubos na pagibig sa’yo lamang ilalaanÂ
Naniniwalang darating ka rin
Pagsasamahin ng tadhana
Makakapiling, aking mamahalin
Ikaw lang at ako habambuhay
Lahat para sa’yo ay iaalay
Sa ating Tagpuan…
Naghihintay, naniniwala
Ang puso ay maligaya at payapa
Panatag ang loob kahit ngayo’y nagiisa
Pagdating ng araw kapiling na kita
Darating ka rin
Pagsasamahin ng tadhana
Makakapiling, aking mamahalin
Ikaw lang at ako habambuhay
Lahat para sa’yo ay iaalay…
—— “Sagot sa aking panalangin, ako’y maging iyo’t ikaw ay sa akin Kinalimutan ang lahat ng pagaalinlangan Pagkat ako’y...
http://abbyasistio.tumblr.com/
ganda nung kanta n to ah..
The SINGLE